Panginoon, may mga araw na
Ang lakas ko’y mabilis maubos
‘Pag sinusubok ako ng buhay
Para bang ako’y nauupos
Hindi ko laging kayang tumayo
Kaya eto ako, lumalapit sa Iyo
Kahit pilit, minsan nalulunod
Panginoon, hawakan Mo ako
May mga bagay na di ko mabago
May takot na ayaw bumitaw
At kahit gusto kong magtiwala
Minsa ang puso ko’y nanghihina’t kumakawala
Kaya bago pa ako bumigay
At bago ako maligaw ng landas
Nananalangin ako sa Iyo
Panginoon, hawakan Mo ako
Hindi palaging matibay ang loob ko
Hindi rin palaging buo ang pananampalataya ko
Pero kahit gano’n, alam kong totoo
Hindi Ka nagbabago
‘Pag hindi ko na kaya, Panginoon
Hawakan Mo ako
Sa gitna ng takot at mga tanong
Kung ako man ay bibitaw minsan
Ikaw ang ayokong bitiwan
Kaya’t bago ako mahulog, Panginoon
Hawakan Mo ako
Hindi ko itinatago ang kahinaan ko
Mas kilala Mo ako kaysa sa sarili ko
At sa bawat luha na di ko masabi
Ikaw ang tumutugon nang tahimik
Panginoon, turuan Mo akong sumunod
‘Pag nalilito at hindi sigurado
At sa bawat hakbang ng buhay ko
Hawakan Mo ako, hawakan Mo ako
‘Pag hindi ko na kaya, Panginoon
Hawakan Mo ako
Sa gitna ng takot at mga tanong
Kung ako man ay bibitaw minsan
Ikaw ang ayokong bitiwan
Kaya’t bago ako mahulog, Panginoon..
“Pag dumidilim ang isip ko
Ikaw ang ilaw, Ikaw ang lakas ko
“Pag bumibitaw ang mundo
Mga kamay Mo ang panghawak ko
Kahit ako’y manghina nang totoo
Ikaw ang hindi bibitaw sa’kin, Panginoon
‘Pag hindi ko na kaya, Panginoon
Hawakan Mo ako
Sa gitna ng takot at mga tanong
Kung ako man ay bibitaw minsan
Ikaw ang ayokong bitiwan
Kaya’t bago ako mahulog, Panginoon..
Hawakan Mo ako
At hanggang sa dulo
Ng bawat pagsubok at bawat araw
Isang panalangin ang lalagi
Diyos, hawakan Mo ako.
No comments:
Post a Comment