SEARCH A-Z

Search Lyrics and Chords

Awit ni Pablo Lyrics and Chords by Melan Stamatelaky

Awit Ni Pablo

Melan Stamatelaky


Inari ko mg isang kalugihan
Ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan
Kapalit ng mas mahalaga
Ang makilala't madama ko pa ang pag ibig mo sa akin
Wala ng nanaisin pa kundi ang maranasan ka
Sa akin Ikaw ang mahalaga

At para sakin ang mabuhay ay sayo
At ang kamatayan sayo'y pakinabang
Sabihan man nila sakin ako sayo'y nababaliw
At pagtawanan pa nila
Wala ng nananisian pa kundi ang maranasan pa
Sa akin Ikaw ang mahalaga

Ipagpapalit ko ang lahat
Makasama lang kita
Ipag papalit ko ang lahat
Maranasan lang kita

Wala ng nanaisin pa kundi ang maranasan ka
Sa akin ikaw ang mahalaga

Tanging Sayo Lyrics and Chords by Melan Stamatelaky

Tanging Sayo

Melan Stamatelaky

 

Aanhin Ko Ang kayamanan
Kung Ikaw nama'y aking malilimutan
Aanhin Ko Ang kalakasan
Kung ako nama'y Di mo sasamahan

Aanhin Ko Ang kapangyarihan
Kung Ikaw nama'y kaaway Ko
At Di kaibigan
Aanhin Ko Ang karangalan
Papuri't pagsamba'y
Para sayo lamang

Ikaw Ang aking awit
Ang aking Pag ibig
Hinding hindi Mararanasan
Ang ganitong kaligayahan
Sa anumang bagay
Tanging sayo lamang

Aanhin Ko Ang kagalingan
Kung hundi naman Ikaw Ang kagalakan
Aanhin Ko Ang karunungan
Kung ako nama'y Di mo pangungunahan
Aanhin Ko Ang kalayaan
Kung Ikaw nama'y iiwan Ko
At sasaktan Lang
Aanhin Ko Ang katanyagan
Ang buhay Kong ito'y
Para sayo lamang

Ikaw Ang aking awit
Ang aking Pag ibig
Hinding hindi
Mararanasan Ang ganitong kaligayahan
Sa anumang bagay Tanging sayo lamang
O Diyos

Hesus hinding hindi mararanasan
Ang ganitong kaligayahan
Sa anumang bagay
Tanging sayo lamang
O Diyos


Hindi na Iiwan Lyrics and Chords by Melan Stamatelaky

Hindi Na Iiwan

Melan Stamatelaky


Kay dali
Sabihing ika'y
Mahal Ko
Ngunit nagkakasala
At Kay dali Ko ring
saktan Ang puso mo
At Kay dali mong patawarin

Ilang ulit Na bang lumayo
At ilang ulit mo ring hinanap
Natagpuan at
Ngayo'y ligtas

Ayaw Ko Ng magkamali
Ayaw Ko Ng mag kunwari
Turuan mo Ang puso Kong
Magmahal Ng tapat sayo
Ayaw Na kitang saktan
Hindi Na iiwan

Panginoon Ng puso Ko
Pag ibig ko'y
Para Lang sayo




Salamat Kaibigan Lyrics and Chords by Melan Stamatelaky

Salamat Kaibigan

Melan Stamatelaky

 

salamat kaibigan
kahit mahirap gawin
mga ligaw ay abutin
kahit pagod na ang paghahanap ay tuloy parin
sarili ay kinalimutan
upang iba'y paglingkuran
mga kaluluwang nagbabalik loob
ay sya mong kasiyahan

salamat kaibigan sa iyong ginagawa'y
maraming buhay ang sadyang pinagpapala
awit ko ay kulang pa
upang pasalamatan ka
sa langit lubos ang iyong gantimpala

panganib ay di inalintana buhay may itataya
kung kapalit nito'y kaligtasan lang sa mga nawawala
dumudulog sa panalangin
sumisigaw at dumadaing
at ang hinihiling maraming puso pa ang babaguhin

ipagpatuloy mo kaibigan ko
ang iyong nasimulan
marami pa roon ang naghihintay ng isang katulad mo



Alipin Mo Lyrics and Chords by Melan Stamatelaky

Alipin Mo

Melan Stamatelaky

 

kung masisilayan ko ang iyong
mukha o Diyos makakayanan ko ba
kung ako at haharap sa kabanalan mo
o Diyos makakayanan ko ba kung Hindi mo lilinisin ang aking mga
kamay at Hindi mo babalutan ng iyong pagmamahal

paano na kaya ako kung wala ka
kailangan ko ang pag-ibig mo at kalinga
ikaw ay Diyos at ako'y tao at ikaw ang Panginoon at ako ay alipin mo

kung ako naman sayo maglilingkod
o Diyos malulugod kaba
kung ako at aawit sayo ay sasamba
o Diyos makikinig kaba kung hindi mo lilinisin ang aking mga kamay
at hindi mo babalutan ng iyong pamamahal

paano na kaya ako kung wala ka
kailangan ko ang pag-ibig mo at kalinga
ikaw ay Diyos at ako'y tao at ikaw ang Panginoon at ako ay alipin mo

bihiyag ng iyong kahabagan
alipin ng iyong kapatawaran
binihag ng iyong kabanalan
alipin ng iyong pagmamahal

paano na kaya ako kung wala ka
kailangan ko ang pag-ibig mo at kalinga
ikaw ay Diyos at ako'y tao at ikaw ang Panginoon at ako ay alipin mo



Nasayo Na Lyrics and Chords by Melan Stamatelaky

Nasayo Na
Melan Stamatelaky

Sa tuwing maaalala Ko
Ang pagibig mo
Napupuno ang puso ko
Ng pagsamba sayo

Sa tuwing naaalala ko
Ang buhay Ko noon
Nakapagtataka
Bakit pinili mo

Di mapipigil
Ang aking Pag pupuri
Di maiaalis Sa akin
Ang magtanong sayo
Bakit pinili mo
Ang buhay ko'y binago
At inibig mo
Salamat sayo

Nasayo Na Ang Lahat
Kong hinahanap
Nasayo Na
Ang Lahat Kong kailangan
Ikaw Hesus
Ikaw ay sapat Na
Nasayo Na Ang lahat

Kung iisipin lang
Ako'y wala namang
Ginawa upang iyong Kahabagan
Kung kaya't Habang buhay
Ang Pasasalamat Ko sayo
Dahil ako'y pinatawad Inibig mo

Huwag kang bibigay Lyrics and Chords by Melan Stamatelaky

Huwag kang bibigay

I
Para bang di mo na kaya
At ang kaydami mong problema
Parang bang sumusuko na
Pagod ka na?
II
Buksan mo ang iyong mata
Di ba nakatayo ka pa
Alam ng Diyos kaibigan
Kasama mo sya

Chorus
Huwag kang bibigay, aayaw, magsasawa
Huwag kang papagod ,lalayo, manghihina
Gagamitin ka pa ng Diyos
Mahal ka nyang lubos

Huwag kang bibigay, aayaw, magsasawa
Huwag kang papagod ,lalayo, manghihina
Huwag mawawalan ng pag-asa
Darating din umaga
Kasama mo Siya

III
Ibabangon ka nyang muli
Kung ikaw ay magkamali
Itatayo ka Niya
Sa tuwing madarapa
IV
Malayo na ang iyong nairating
Wala ng babalikang muli
Kaya mo yan kaibigan
Kasama mo sya

Chorus
Huwag kang bibigay, aayaw, magsasawa
Huwag kang papagod ,lalayo, manghihina
Gagamitin ka pa ng Diyos
Mahal ka nyang lubos

Huwag kang bibigay, aayaw, magsasawa
Huwag kang papagod ,lalayo, manghihina
Huwag mawawalan ng pag-asa
Darating din umaga

Kasama mo Siya